Pagkuha ng refresher course sa Pharmacists’ Licensure Examination

Dear Chief Acosta,
Tatlong beses na akong kumuha ng Pharmacists’ Licensure Examination ngunit, hindi pa rin ako nakakukuha ng pasadong marka. Maaari pa rin ba akong kumuha ng nasabing pagsusulit? — Nowelyn
Dear Nowelyn,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 17 ng Republic Act No. 10918 na mas kilala bilang “Philippine Pharmacy Act” kung saan nakasaad:
”Section 17. Ratings in the Licensure Examination. – In or to be registered and licensed as a pharmacist, a candidate must obtain a general weighted average of seventy-five percent (75%), with no rating lower than fifty percent (50%) in any of the subjects. An applicant who failed in the licensure examination for the third (3rd) time shall not be allowed to take the next succeeding examinations without having undertaken a refresher program in a duly accredited institution. The Board shall issue guidelines on the refresher program requirement.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, nararapat na makakuha ng general weighted average na 75% at hindi bababa sa rating na 50% sa lahat ng mga subject ng Pharmacists’ Licensure Examination upang makapasa at maging rehistrado at lisensiyadong pharmacist. Ang sinumang aplikante na hindi makapasa ng tatlong beses ay nararapat na kumuha ng refresher program mula sa duly accredited institution upang makakuha muli ng Pharmacists’ Licensure Examination. Sa inyong sitwasyon, sapagkat tatlong beses na kayong hindi nakakuha ng pasadong marka sa Pharmacists’ Licensure Examination, nararapat kayong pumasok sa refresher program mula sa duly accredited institution upang makakuha kayong muli ng nasabing examination.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments