top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Oks daw na friends na lang sila… JOSHUA, AMINADONG MAS MAGAAN ANG BUHAY NANG MAWALA SI JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANA

MUKHANG tuluy-tuloy na nga ang paghihiwalay ng on-screen at off-screen love team nina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil matapos aminin na mag-best friends na lang sila ngayon, ang aktres na si Janella Salvador ang bagong makakapareha ng aktor para sa upcoming serye ng Kapamilya Network na Killer Bride.

Sa kabila nito, nangako si Joshua na hindi mawawala ang JoshLia.

“Ang mensahe ko for the [fans] is ‘wag na silang malungkot… Gagawa pa rin kami ng mga pelikula, may mga projects pa kaming pagsasamahan,” pangako ng aktor.

Sinigurado rin ni Joshua na masaya siya ngayon sa relasyon nila ni Julia.

Aniya, “Kung ano man ang mangyari, kung magkabalikan man or something, ‘di natin alam. Only God knows.”

Dagdag pa niya, “Special [pa rin siya], sobra! Mahal ko pa rin ‘yung taong ‘yun. Tagal naming nagsama at nagkatrabaho, eh. At least, hindi nawala ‘yung friendship namin. ‘Yun na lang ang ipinagpapasa­lamat ko. Sa ngayon muna, best friends muna po kami. Kumbaga, mag-stick muna kami ru’n kasi doon po kami mas magaan sa isa’t isa.”

Magkasama pa rin ngayon ang dalawa sa pelikulang Block Z na malapit nang ipalabas.

Ayon kay Joshua, hindi nakaapekto ang breakup nila ni Julia para ipagpatuloy nila ang paggawa ng Block Z.

Aniya, “[‘Yung professionalism], ‘Di talaga dapat mawala ‘yun. Impor­tante ‘yun sa trabaho namin.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page