top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga hayop na kabilang sa “critically endangered”, inuubos ng mga Chinese, tsk-tsk-tsk!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2019
  • 2 min read

HINDI masukat ang ating galit nang malaman natin ang balita tungkol sa mga pangolin o balintong na nasagip ng mga awtoridad habang dinadala sa Binondo, Manila.

Pito sa sampung pangolin na nasagip ang namatay dahil sa kanilang kahabag-habag na kondisyon kung paano sila dinadala sa Maynila. Natagpuan ang mga ito na nakabilog sa lambat, tila hindi man lang binigyan ng tubig o pagkain at hindi natin alam kung gaano na sila katagal sa kondisyong ‘yun.

Samantala, ang tatlong buhay pa ay hindi na rin inaasahang magtatagal dahil sa napakaraming sugat nito sa katawan na natamo, marahil, noong sinubukan nilang makatakas sa kanilang pagkakahuli at sa matinding stress na pinagdaanan ng mga hayop, kawawa naman.

Dapat siguro, bilugin at ilagay din sa bayong ng ilang araw na walang tubig at pagkain ang mga nahuling nagdadala ng mga pangolin sa Maynila.

Hindi nakapagtataka kung bakit sa Binondo dadalhin ang mga hayop. Ilang beses nang nahuhuli ng coast guard ang mga barko ng China na may dalang mga patay na pangolin.

Ginagawang pagkain ang mga ito kung saan mahal ang singil. Siyempre, dahil sa pera at Tsino na naman.

Ang pangolin ay kabilang sa mga hayop na “critically endangered” kaya bawal hulihin ang mga ito. Malinaw na hindi ito sinusunod dahil sa malakas ang demand nito sa bansa, gayundin sa China. Hindi magtatagal, ang napakaliit na bilang ng mga pangolin ay mauubos, lalo na kung hindi mabibigyan ng pangil ang batas na nagbabawal sa paghuli ng mga ito.

◘◘◘

Tila hindi pa tapos ang isyu tungkol sa susunod na House Speaker sa kabila ng pagbigay ng endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May kumalat na text messages kung saan hinihikayat umano ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga kongresistang, “bumoto, ayon sa kanilang kagustuhan”. Na-”set-up” lang daw si Pangulong Duterte na magbigay ng endorsement kina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Gayunman, itinanggi agad ni Mayor Sara na galing sa kanilang kampo ang nasabing text messages.

Kung sa totoong kailangang mai­halal ang susunod na House Speaker ay hindi ito basta pinipili lang kahit pa ng pangulo ng bansa. Hindi natin alam kung bakit kinailangan pa ang basbas ng pangulo o sinuman, patu­nay na hindi na independiyente ang Mababang Kapulungan, tila sumusu­nod lamang ang mga ito sa nais ng pangulo.

Gayunman, malalaman na lang natin ngayong Hulyo 22 kung susu­nod ang karamihan ng mga kongre­sista sa inendorso ng pangulo o isusulong pa rin ng iba’t ibang pangkat ang kanilang kandidato.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page