top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot pinagbabaril ng 2 katrabaho, utas

Levi Gonzales
Jul 12, 2019
1 min read

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng katrabaho sa Bgy. San Isidro, Calauan, Laguna.

Pasado ala-1:00 ng madaling-araw, nasa loob ng kanilang barracks ang biktimang si Bernie Alcesto, kasama ang mga suspek na sina Jesus Ochoa at Andy Loc.

Nasa kasagsagan pa ang mga ito ng inuman kasama ang iba pang katrabaho nang maki­pag­talo ito sa dalawang suspek.

Hanggang sa pinag­tu­lungan ng dalawa na barilin ang biktima bago nagsitakas.

Nadala pa ito sa pa­ga­mutan ngunit, idinek­larang dead-on-arrival.

Agad namang ku­mi­los ang mga awto­ridad at nasakote si Ochoa habang patuloy ang pagtugis sa kasa­mahan nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page