Hirit sa 18th Congress — Go | WALA NG SQUATTER

PUWEDE nang magkabahay ang mga kapus-palad sa panukalang-batas na inihain ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go, kamakailan.
May dalawang pamamaraan para magkabahay ang mga mahihirap sa nasabing panukala.
Para sa mga illegal settler, bibilhin ng gobyerno sa may-ari ng lupa sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP) ang lupain na kinatitirikan ng kanilang mga bahay.
Kailangan lang na magbuklod ang mga residente at magtayo ng asosasyon para mapadali ang pagbayad nila ng lupa na pag-aari na ng gobyerno.
Sa mga nasunugan o wala talagang matirahan, may mga mura at affordable housing projects ang gobyerno na kayang-kaya ng mga ordinaryong Pilipino.
“Dapat ay wala ng squatter sa sariling bayan,” ani Go.
Sinabi pa ng mambabatas na isa lamang ito sa sampung panukalang-batas na kanyang inihain noong nakaraang linggo kabilang ang pagtatag ng OFW department, senior citizen, malasakit center, dagdag-suweldo sa mga government employee, teacher, nurse at iba pa.





Comments