2 rebeldeng NPA sumurender
MISAMIS OCCIDENTAL—Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko, kamakalawa sa Philippine National Police (PNP) sa Bgy. Nacional, Jimenez sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga sumukong rebelde na sina Luciano Camanian at Dederico Solon, kapwa rebelde na nakabase sa nasabing lalawigan.
Ayon sa dalawang rebeldeng NPA, nais na umano nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa sa taktikal na interegasyon ang dalawang rebelde upang matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.





Comments