Rider nilikida ng gunman
ILOCOS SUR—Isang rider ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Amianance, Vigan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Romeo Ramos, nakatira sa Bgy. Lao-Ingen, Sto. Domingo sa nasabing lalawigan.
Nabatid na habang lulan ng kanyang motorsiklo si Ramos ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments