Problemado sa ex-‘misis’ | MISTER NAGBIGTI
Levi Gonzales
Jul 11, 2019
1 min read

ISANG helper ang natagpuang nakabigti sa Bgy. 5, Lucena City, Quezon.
Ayon sa imbestigasyon, alas-12:45 ng hatinggabi nang madiskubre ng kanyang live-in partner ang wala ng buhay na biktimang si Junjun Amandy, 21.
Nakapulupot sa kanyang leeg ang lubid saka itinali sa itaas ng kisameng kanilang inuupahang silid.
Ayon sa kinakasama ni Amandy, bago ang insidente, naungkat umano ang naging problema nito sa dating karelasyon kung saan meron itong isang anak.





Comments