Pagtanggi sa pagpaparehistro ng aplikanteng pasado sa pagsusulit para maging lisensiyadong real est
- BULGAR

- Jul 11, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Ang kaibigan ko ay pumasa sa pagsusulit para maging lisensiyadong real estate broker ngunit, ayaw siyang irehistro ng Professional Regulatory Board of Real Estate Service (PRBRES) sa kadahilanang napan na raw siya sa kasong may kinalaman sa moral turpitude. Tama ba ito? — Consuela
Dear Consuela, Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 9646 o Real Estate Service Act of the Philippines. Nabanggit sa Section 18 ng nasabing batas na:
“SEC. 18. Refusal to Register. – The Board shall not register and issue a certificate of registration to any successful examinee who has been convicted by a court of competent jurisdiction of any criminal offense involving moral turpitude or has been found guilty of immoral or dishonourable conduct after investigation by the Board, or has been found to be psychologically unfit.”
Samakatwid, maaaring tanggihan ng PRBRES ang pagrehistro sa aplikante kahit pa pumasa ito sa pagsusulit kapag siya ay napan ng hukuman ng pagkakasala na may kasangkot na moral turpitude. Maaari ring tanggihan ang pagrehistro kung mapag-alaman ng PRBRES, base sa imbestigasyon na ang aplikante ay napatunayang nagkasala na may kinalaman sa immoral or dishonourable conduct, o napag-alaman na siya ay psychologically unfit.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments