top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Feeling ang guwapu-guwapo raw niya… DANIEL, ENJOY NA ENJOY 'PAG NAGSESELOS SI KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA guesting nina Daniel Padilla at Ian Veneracion sa morning talk show na Magandang Buhay, inamin ng King of Hearts ang pagiging seloso niya pagdating sa relasyon.

Kuwento ni Daniel, “Oo naman, [seloso ako]. Ang weird naman kasi kung hindi ka seloso. Parang normal naman na seloso ka dapat. Parang kung hindi ka nagseselos, there’s something wrong.”

Naitanong din kung kinikilig siya sa tuwing nag­seselos si Kathryn at aniya, “Minsan. Pero min­san, natatakot na ako. Iba ‘yung cute na selos lang, pero I’d rather choose na magselos na lang siya sa akin. Mas masa­rap sa feeling, kasi feeling mo naman, ang gu­wapu-guwa­po mo rin kapag ganu’n.”

Sa same episode ng morning talk show ay pinuri ni Ian ang kaibigan niyang si Daniel.

“Nakikita ko kung ga­ano siya ka-responsible as a kuya and as a son, ‘yung concern niya sa mommy niya, sa mga kapatid niya. Siya ‘yung tipo ng taong mara­ming isa­sakripisyo para sa kanila. Ga­nu’n siya magmahal. Napa­kasuwerte naman ng magiging future family niya,” ani Ian.

Taong 2013 sila nagkasama sa seryeng Got to Believe kung saan naging mag-ama sila, na sinundan pa ng Pa­nga­ko sa ‘Yo noong 2015.

Ikinuwento ni Ian na parehas ang kalokohan at kapilyuhan nilang da­lawa kaya nag-click sila.

Pagpapatuloy naman ni Daniel, “Marami tayo sa showbiz na tinatawag na showbiz friends o taping friends. Kami, natapos na ang taping, hindi natapos ang pagkakaibigan namin ni Tito Ian. Pinupuntahan ko siya sa bahay niya lagi. Sarap din kasi ang dami kong nakukuhang advice from Tito Ian na talagang nakakatulong sa akin... very productive ang samahan namin, hindi lang puro laro.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page