EXTRA RICE BOY BELGA NG ROS PINAPAK ANG HOTSHOTS


SINILAT ng Rain or Shine Elasto Painters ang Magnolia Hotshots matapos hablutin ang 86-82 panalo sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum, kagabi.
Nagtala si Beau Belga ng 22 points at limang rebounds upang tulungan ang Elasto Painters na ilista ang 5-5 karta. Kinontrol ng Hotshots ang unang dalawang periods, hinawakan nila ang anim na puntos na bentahe, 41-35 sa halftime.
Sinamantala ng Elasto Painters ang pagkawala ni Magnolia point guard Paul Lee kaya naagaw nila ang bentahe, 64-61 sa pagtatapos ng third canto. Naging matatag ang Rain or Shine sa 4th upang makuha ang importanteng panalo.
Samantala, swak na sa top two teams ang NorthPort Batang Pier sa 11-game elimination round, pero gagawin pa rin nila ang lahat para makuha ang panalo sa Meralco Bolts pagharap nila bukas ng alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome. Bukod sa mapatibay ang kapit sa second place, nais din ng Batang Pier na makapagwagi pagsalang nila sa susunod na phase.
Tangan ang 8-2 record, ibabangga sina import Prince Ibeh, Kevin Ferrer, Jervy Cruz, Sol Mercado at rookie Robert Bolick para masilo ang pang siyam na panalo.
Subalit, inaasahang mapapalaban ang NorthPort dahil may tsansa pang pumasok sa quarterfinals ang Bolts.
May kartang 3-6 ang Meralco, nasa 10th place sila ng team standings. Maglalaban naman sa unang laro ang Phoenix Fuel Masters at NLEX Road Warriors sa alas-4:30 ng hapon. (ATD)
Mga laro bukas: (Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. - Phoenix vs NLEX 7:00 p.m. - Meralco vs NorthPort





Comments