top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Dinala sa sementeryo, pinapanood ng porn | SPECIAL CHILD NI-RAPE NG BADING

Meng Santos
Jul 11, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang bading na mananahi matapos ireklamo ng panghahalay sa 11-anyos na Grade 1 pupil ng SPED (Special Education) sa Valenzuela City.

Naglalakad ang biktimang itinago sa pangalang ‘Popoy’ sa harapan ng isang supermarket sa Bgy. Karuhatan, alas-4:00 ng hapon nang lapitan ng suspek na si Yuri Padilla, 32, saka niyaya sa likuran ng Tierra Santa Cemetery sa NLEX Service Road, Bgy. Maysan.

Pagdating sa lugar, puwersahan umanong isinagawa ng bading ang panghahalay sa bata saka pilit na pinanonood sa biktima ang pornographic film sa kanyang cellphone.

Matapos nito, inabutan nito ng P100 ang biktima para hindi magsumbong at nang makakuha ng tiyempo, tumakas ang bata subalit, hinabol siya ng suspek saka sinapak sa mukha bago mabilis na umalis.

Nang makauwi, nagsumbong ang bata sa kanyang ina kaya humingi ng tulong sa PCP-4 ang mag-ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nakumpiska sa kanya ang cellphone na naglalaman ng larawan nila ng biktima pati na ang palitan nila ng mensahe.

Kasong statutory rape ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page