top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ayaw pang umaming ikakasal na, pero… MAJA, BUKING NA MAY SUOT NANG ENGAGEMENT RING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

PAGKATAPOS pag-usapan ang engagement nina Angel Locsin at Neil Arce, heto at usap-usapan na rin sa showbiz circle na nag-propose na umano ang non-showbiz boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez.

Lumabas ang engagement rumors nang magbakasyon ang dalawa kamakailan sa Europe.

Nang tanungin ang 30 years old Kapamilya actress hinggil sa estado nila ni Nuñez sa storycon ng kanyang next tele­serye, ani Maja, ‘super happy siya.’

Hindi man niya tuwirang sinagot kung engaged na sila ng non-showbiz bf, makikita naman sa kanyang daliri na may suot siyang engagement ring na kitang-kita sa ibinahagi nilang photos nu’ng sila ay nasa Europe pa.

Malamang din daw na magpakasal na sila soon dahil binubuyo raw sila ng mga kaibigan ng kanyang boyfriend.

Nagbiro pa si Maja, “Patay siya kay Killer Bride,” na title ng next teleserye ng Kapamilya actress after ng Wildflower.

Makakasama ni Maja sa serye sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

By the way, how true na ipinaalam pa ni Joshua kay Julia Barretto na si Janella ang kanyang makaka-love team sa nasabing teleserye?

Nagkabalikan na ba sila? Hindi ba’t sila na rin ang nagsabing balik-‘magkaibigan’ na lang daw muna sila?

Well… well… ganyan talaga ang showbiz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page