ATHLETES DORM SA CLARK, OK NA; CBA FINAL, TAMPOK SA TOPS
- Gerard Ace/MC
- Jul 11, 2019
- 1 min read

BUBUKSAN na para sa mga atletang Pinoy ang ilang bahagi ng New Clark City Sports Complex, Capas, Tarlac sa kalagitnaan ng Agosto, ilang buwan bago ang nalalapit na pagbubukas ng 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre 30.
Ayon sa presidente ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na si Vince Dizon, maaari nang matirhan ng mga pambansang atleta ang mga bagong gawang dormitoryo upang magamit ng mga ito ang mga pasilidad sa loob ng nasabing sports complex.
“Our athletes’ dormitory is ready by mid-August so the athletes can already stay there,” pahayag ni Dizon sa interview sa kanya ng CNN Philippines.
Ang naturang pasilidad ay binubuo ng 525 kuwarto kabilang ang gym, cafeteria, mess hall, mini pool at basketball court, habang nalalapit lamang sa track and field oval, na tinatayang 96-porsiyento nang bukas sa mga Filipino tracksters, at ang aquatics center naman ay maaari na ring matapos sa susunod na buwan. Samantala, talakayan hinggil sa basketball ang itatampok sa 30th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Ang San Juan Knights at ang Naga Waterborne, ang dalawang team na magtutunggali sa kampeonato ng Community Basketball Association (CBA) na may P1-million cash prize para sa mga tampok na bisita sa weekly sports session. Inaasahan na ang coaches at players ng dalawang teams ay magsasalita sa kanilang tsansa sa winner-take-all championship game ng ika-10 a.m. forum.





Comments