3 bigtime tulak nasakote
CEBU CITY—Tatlong bigtime drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tisa 3, sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Brayl Alloseda, Richard Reyes at Angel Pelaez, pawang residente ng Cebu Province.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 155 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Alloseda, Reyes at Pelaez na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments