Wanted sa Japan, huli sa NAIA

ISANG Japanese-German-Israeli fugitive na wanted sa Japan dahil sa paglabag sa Copyright Law ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ayon sa Bureau of Immigration (BI), kahapon.
Kinilala ang fugitive na si Romi Hoshino alyas Zakay Romi, 28, na nadakma noong Linggo ng bureau’s Fugitive Search Unit habang nasa loob ito ng gusali ng paliparan.
Ayon kay BI Intelligence Officer Bobby Raquepo, si Hoshino ay napabalitang manager ng “Manga-Mura”, isang illegal viewing website ng Japanese cartoons, kilala bilang Manga, na nagsimulang mag-operate mula noong January 2016 hanggang April 2018.
Nabatid sa bureau na tinatayang nasa 320 billion yen (2.9 billion USD) ang nawala sa Association of Copyrights of Japan dahil sa Manga-Mura na ipinapalagay na pinakamalalang paglabag sa kasaysayan ng Copyright Law ng Japan.
Si Hoshino ay inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente kasunod sa kahilingan ng Embassy of Japan sa Maynila matapos itong humingi ng tulong sa BI para mahanap at maaresto ang Japanese.
Ayon pa kay Morente, ang pananatili ni Hoshino sa bansa ay banta sa seguridad.





Comments