Revocation ng Foster Care License

Dear Chief Acosta,
Nabalitaan naming sobrang magsugal at maglasing ang isa sa mga anak ng pamilyang nag-aalaga sa foster child. Maaari ba itong makaapekto sa kanilang foster care license? — Jenny
Dear Jenny,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Rule 11.4 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10165 o mas kilala sa tawag na Foster Care Act of 2012 kung saan nakasaad:
“11.4. Revocation of Foster Family Care License. – The DSWD Field Office shall investigate any report that the placement is detrimental to the Foster Child. It shall revoke the Foster Family Care License upon the recommendation of the Social Worker confirming the existence of any of the following circumstances:
x x x
(d) Manifestation of high risk social behavior of any member of the Foster Family, such as, but not limited to, substance abuse, gambling, alcoholism, and commercial sexual exploitation.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw sa batas na maaaring ma-revoke o bawiin ang foster care license ng pamilya kung base sa imbestigasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay makakakitaan ang isa sa mga miyembro nito ng high risk social behavior tulad ng madalas na pagsusugal at labis na pag-inom ng alak.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments