top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong kahit may napili ng Speaker, hirit sa mga cong. BUMOTO NANG AYON SA KAGUSTUHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2019
2 min read

NA-SET-UP umano si Pangulong Rodrigo Duterte upang magsalita na sa isyu ng House Speakership na inalmahan naman ng mga congressman at ikinagulat din nina Mayor Sara at Cong. Paolo Duterte.

Lumilitaw na ipinata­wag ang mga contender sa pa­mamagitan ng isang cabinet official dahil nais umano silang kausapin ni P-Duterte kaya nagpunta sina Lord Allan Velasco at Martin Ro­mualdez pero, nagulat uma­no sila nang sabihin ng pa­ngulo na si Cayetano na ang maging Speaker at si Velasco ang ka-term-sharing habang si Romualdez ang majority floor leader.

Inaasahan nila na magi­ging hands-off pa rin ang pre­sidente dahil ito ang kanyang pinal na desisyon, na haya­ang mamili ang mga congress­man ng kanilang lider.

Matatandaang, tutol sina Sara at Paolo sa term-sharing at sinasabing ayaw nila kay Cayetano. Napag-alaman na bago naganap ang meeting, nabulungan na umano si P-Du­terte na pupunta sila sa Malacañang upang hingiin at puwersahang hingiin ang kan­yang desisyon kaya na­man nu’n nakaharap na ng presidente ang mga con­ten­der, agad niyang inihayag ang kanyang rekomendas­yon.

Taliwas sa mensahe na nakarating kina Velasco at Ro­mualdez na inanyayahan sila sa Palasyo, ‘yun pala ay na set-up na umano sila.

Pinatotohanan ito ni Presidential Spokesman Sal­vador Panelo sa isang press­con na wala umanong na­gawa si P-Duterte dahil sila ang lumapit kaya ito nagre­komenda.

Sa isang ambush inter­view sa pangulo, inihayag niya na ‘yun lang ay kanyang rekomendasyon dahil pinilit umano siya na pagsalitain na sa isyu ng Speakership ngu­nit, ipinaliwanag naman niya na nasa mga congressman pa rin ang “final say” at okay lang sa kanya na hindi sun­din ang kanyang rekomen­dasyon.

Nagpahayag naman si Sara na hindi maganda ang term-sharing at pababagalin lamang ang pangkalahatang transaksiyon sa Kamara at maapektuhan ang isunusu­long na legislative agenda ng pamahalaan at ng kanyang amang si P-Duterte.

Ayon kay Inday Sara, “counterproductive” at ma­uuwi lamang ito sa balim­bingan at trayduran ng mga mag­kakaalyado.

Kaya nanawagan siya sa lahat ng mga congressman na bumoto ayon sa kanilang ka­gustuhan dahil ang kanyang ama ay na-set-up lang uma­no ng mga galamay sa gabi­nete na kaalyado ni Caye­tano. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page