top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Modus ni mommy para makautang | SANLA-BEYBI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ang ginang na sinasa­bing iligal na nag-aalok ng trabaho at umano’y isinasanla ang kanyang sang­gol sa mga taong inuutangan.

Hinuli ng NBI-National Capital Region ang suspek na si Grace Caballero sa entrapment operation matapos itong tumanggap ng pera mula sa aplikanteng seaman.

Batay sa imbestigasyon, hindi lisensiyadong recrui­ter si Caballero.

Raket din umano ng suspek na mangu­tang ng pera at gamitin ang kanyang apat na buwang sanggol bilang collateral.

Kaugnay nito, aabot sa higit P1 milyon ang kabu­uang nakuha ni Caballero sa kanyang mga biktima. Isa sa mga nabiktima ay si Sheryl Agkes na nasa P249,000 umano ang ibinigay sa suspek kahit isang buwan pa lang silang magkakilala.

Hanggang sa ikinagulat umano ni Agkes nang na­kisuyo sa kanya ang suspek na iiwan sa kanya ang sang­gol nito.

Magpapadala umano ang biktima ng pera para sa bata at pambayad sa utang. Tinanggihan umano ni Agkes ang alok pero, nabatid na napagpasahan na ang bata sa dalawang iba pang mga pinagkakautangan ng suspek.

Nasa P185,000 ang utang ni Caballero sa isa pang biktimang si Luz Cacho.(BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page