top of page
Pokwang.jpg

Mga serbisyong hatid ng PCUP caravan sa mga maralita, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2019
2 min read

BILANG parte ng kampanya na mabigyan ng agarang ayuda ang mga maralitang lungsod sa iba’t ibang mga problema at pangangailangan nito, nagsasagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng caravan na naghahatid sa ating mga kababayan ng libreng serbisyo mula sa gobyerno.

Nanggaling na ang caravan sa iba’t ibang bahagi ng bansa at patuloy na naghahatid ng serbisyo para sa mga kapus-palad nating mga kababayan mula Luzon, Visayas hanggang sa Mindanao.

Tanong: Magandang araw! Gusto kong itanong kung saan at kailan ang susunod na PCUP Caravan at anu-ano ang mga libreng serbisyo ang aming makukuha rito? — Alfred

Sagot

Magandang araw sa‘yo, Alfred. Ngayong Biyernes, ika-12 ng Hulyo, ang PCUP ay maghahatid ng libreng serbisyo tulad ng medical at dental check-up, gamot, scholarship sa tech-voc programs, masahe at gupit at legal assistance. Mayroon ding trabahong naghihintay sa mamamayan. Gaganapin ito sa Barangay Pinugay, Phase V, Covered Court, Southville 9, Baras, Rizal.

Layunin ng PCUP na maghatid ng caravan linggu-linggo sa iba’t ibang barangay at makapagbigay ng direktang tulong sa masang Pilipino kabilang na ang mga kapatid na miyembro ng LGBT.

Kabilang sa mga ahensiya na katuwang ng PCUP sa pagsasagawa ng caravan ay ang PSA, DOH, LTO, PAO, TESDA, DTI, OWWA, POEA, DSWD at DOLE. Kabilang na rin dito ang ilang pribadong kumpanya tulad ng FINDWORK PH, GRAB at CDO.

Naka-schedule na kung kailan at anu-anong mga lugar ang bibisitahin ng PCUP Caravan ngayong Hulyo. Abangan na lamang ang aming anunsiyo upang makapunta kayo at maka-avail ng samu’t saring serbisyo ng pamahalaan.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page