top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit ginigiba ng dilawan | Taumbayan, bilib na bilib pa rin kay P-Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2019
2 min read

LUMALABAS na si Pangulong Rod­rigo Duterte ang pinaka-popular na pangulo ng Pilipinas mula noong 1986, batay sa survey ng Social Weather Sta­tions (SWS).

Sa pinakahuling survey na ginawa noong Hunyo, 80 porsiyento ng mga Pi­lipino ay masaya sa pamumuno niya. Ibig sabihin, kung tatanungin mo ang limang Pinoy, 4 ang magsasabing bilib sila kay Pangulong Duterte.

Talung-talo ni Pangulong Duterte ang popularidad ni dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino na marami ang nag-aakalang siya ang pinaka-popular na pangulo mula noong 1986.

Ayaw nilang maniwala sa datos at kato­to­hanan, maraming manunulat at komentarista, kung anu-ano ang sina­sabi, pero simple lang naman kaya po­pular si Pangulong Duterte, gina­gawa niya ang trabaho niya at nara­ramdaman ito ng mga Pilipino.

Ilang halimbawa rito, ang libreng pampaospital, libreng matrikula sa ko­lehiyo, pagsasaayos ng MRT-3, maba­bang buwis para sa maraming Pinoy, ang giyera kontra sa iligal na droga, paglili­nis ng Manila Bay at Boracay Island, pagpigil sa pagtaaas ng presyo ng mga bilihin at ang “Build, Build, Build Pro­gram” o pagtatayo ng maraming daan, tulay, expressways at highways.

Napabibilib ang mga Pilipino sa pag­laban niya sa iligal na droga na unti-unti nang nagtatagumpay.

Nakabibilib ang pagtaas ng populari­dad ng pangulo kahit napakatindi ang mga banat sa kanya ng dilawan sa pama­magitan ng diyaryong Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN at ibang pang mga media na gusto siyang pabagsakin.

Ang dami pang gimik na ginawa ni dating Sen. Antonio Trillanes IV tulad ng pagpapalabas sa social media ng “Bi­koy” video na hindi naman umubra sa mga Pinoy.

Gayundin, matindi ang kampanya ng mga Amerikanong media para siraan ang pangulo, malamang, dahil sa kan­yang panunungkulan ay naging malapit sa Pilipinas ang China na karibal ng Estados Unidos, pero kaunti lang ang mga Pinoy na nakumbinse nila subalit, mukhang nakumbinse nila ang mga grupong tulad ng Human Rights Watch at Amnesty International.

Eh, pruweba na sinungaling ang mga ito ay ang malakihang pagtitiwala ng mga Pinoy sa pangulo, base sa survey ng SWS kung grabe ang patayan dahil sa “war on drugs” ni Pangulong Duterte, mismong ang mga Pinoy ang magagalit sa kanya, di ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page