Intsik na mambabalahura at mang-aabuso sa Maynila, palalayasin!

MAYOR ISKO, MAY “BALLS” LABAN SA MGA CHINESE, SI P-DUTERTE “ALAWS”—Nagbanta si Manila Mayor Isko Moreno na ipahuhuli, ipaba-ban at ipade-deport niya ang mga Chinese na mambabalahura at mang-aabuso sa lungsod.
Buti pa si Mayor Isko, may “balls” laban sa mga Chinese, eh, si P-Duterte, “alaws”, boom!
◘◘◘
DAPAT ANG NAGPAPASUWELDO KAY CALIDA, CHINESE AT HINDI PINOY—Matapos ihirit ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa Supreme Court (SC) na ibasura ang hiling ng mga mangingisdang Pinoy na pagbawalan ang mga mangingisdang Chinese na kumuha ng mga likas na yaman sa dagat ng Pilipinas, hiniling din ng SolGen sa SC na mag-inhibit ang pro-Philippines na si Associate Justice Antonio Carpio sa mga kasong may kaugnayan sa West Philippine Sea (WPS).
Dahil mistulang SolGen ng China si Calida, ang dapat na nagpapasuweldo sa kanya ay mga Chinese at hindi mga Pinoy, period!
◘◘◘
ANG PALUSOT NG MGA “BUWAYA” SA BUREAU OF CUSTOMS—Sinabi ng mga taga-Bureau of Customs na lumang dokumento raw ang nasuri ng Commission on Audit (COA) na sangkaterbang cargo shipments ang nakalulusot sa Adwana nang walang binabayarang buwis sa pamahalaan.
‘Yan ang palusot ng mga “buwaya” sa BOC na lumang dokumento raw ang na-audit ng COA, mga buwisit!





Comments