Helper, tumalon mula 11th flr. ng building, dedbol

NATUSTA ang mukha bago tuluyang bumulusok ang 41-anyos na helper matapos lumundag mula sa ika-11 palapag ng gusali, kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Manila.
Ayon kay PCapt. Henry Navarro, bago tumalon ang biktimang si Danilo Lachida, nagwala ito saka nagkulong sa kuwarto.
Nauna rito, nakipag-inuman muna si Lachida sa kanyang kasamahang helper, barangay tanod at isang senior citizen sa lugar at nang malasing ay nagwala at pinagtatapon ang ilang gamit sa kusina.
Alas-9:00 ng gabi, pinalabas umano ang mga kainuman bago nagkulong sa kuwarto. Bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang makarinig ang mga residente ng malakas na pagsabog na nagmula sa transformer ng poste.
Kasunod nito, nakitang nakahandusay ang sunog at duguang mukha ng biktima. Isinugod pa ito sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) pero, hindi na umabot ng buhay.





Comments