Anti-Duterte, pahiya sa tumodong rating ng pangulo, hmmm...

TUMODO pa ang satisfactory rating ni P-Digong.
Pahiya ang kanyang mga kritiko!
◘◘◘
AKTUWAL na nagtagumpay ang Oplan Tokhang na pundasyon ng “war on drugs”.
‘Yan ang bida sa kanyang ikaapat na SONA!
◘◘◘
KITANG-KITA at damang-dama ng ordinaryong tao ang tahimik na sitwasyon sa Metro Manila.
Naglaho ang holdaper, kidnaper, kidnap-for- ransom, akyat-bahay, rape-slay at carnapping sa Kamaynilaan!
◘◘◘
Sa Metro Manila, bumaba ng 58% ang krimen sa unang tatlong taon ng administrasyong Duterte kumpara sa huling tatlong taon ng administrasyong Aquino.
Malinaw ang improved peace and order sa buong bansa dahil ito ang pinakamalapit sa puso ng pangulo pagdating sa achievements ng administrasyon!
◘◘◘
Pinatunayan ng pangulo na tama ang kanyang pag-all-out war laban sa iligal na droga.
Batid ng pangulo na ang susi sa maunlad na ekonomiya ay nagsisimula sa peace and order situation ng bansa!
◘◘◘
HINDI sa maipagkakailang sa sinimulang estratehiya nina Senator Ronald “Bato” dela Rosa at PNP Chief General Oscar Albayalde, matagumpay ang laban sa kriminalidad at iligal na droga.
Malaking ambag sa giyera kontra krimen ang sorpresang pagtalaga kay NCRPO Director General Guillermo Eleazar!
◘◘◘
LUTANG na lutang ang performance ni Gen. Eleazar sa Metro Manila na naging padron o modelo ng mga regional police sa buong bansa.
Epektibo ang peace and order campaign ni P-Digong na tiyak, ikukuwento niya ngayong Hulyo 22!
◘◘◘
NAIPATUPAD ng mabuti ang internal cleansing sa NCRPO kung saan agad sinisibak at pinarurusahan ang mga tiwaling pulis.
Kumbaga, naibalik ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan sa Kamaynilaan!
◘◘◘
SA pamumuno ni Gen. Eleazar, sinasalakay ng mga pulis ang mga kapwa pulis na mga nangongotong.
Ngayon lang nakakita ang mamamayan na “kinukutusan at kinukuwelyuhan” ng pinuno ng pulisya ang mga bugok na pulis!
◘◘◘
MALAPIT nang magretiro si Gen. Albayalde at si Gen. Eleazar ang dapat na maitalaga sa Pambansang Pulisya.
Lalong iigting ang kampanya kontra kriminalidad kapag binigyan ng mas malawak na responsibilidad si Gen. Eleazar!
◘◘◘
HINDI dapat pang magsugal si P-Digong kung sino ang ipapalit kay Gen. Albayalde.
Kay Gen. Eleazar, mistulang jackpot siya at ang mamamayan!





Comments