Tulak pumalag sa pulis, utas
- Levi Gonzales
- Jul 9, 2019
- 1 min read

UTAS sa pulis ang isa umanong tulak ng iligal na droga makaraang manlaban sa isinagawang operasyon sa Bgy. Lingga, Calamba City, Laguna.
Alas-3:50 ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust operation laban sa suspek na si Christian Manebo, residente sa naturang lugar.
Kapalit ang marked money, nakabili ng shabu ang confidential agent.
Gayunman, nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang kausap.
Bumunot ito ng cal. .38 saka nagpaputok sa mga operatiba na gumanti naman kaya napatay ang suspek.
Narekober sa crime scene ang ilang gramo ng hinihinalang shabu, P12,000 boodle money, cellphone at baril na ginamit.





Comments