Sa mga magulang na nai-stress dahil nakikisabay ang anak sa pagpupuyat, read n‘yo ‘to! TIPS PARA MAP
- Donna Thea Topacio
- Jul 9, 2019
- 2 min read

SINO ba ang hindi pa nararanasan ang magpuyat? Jusko, mapabata o matanda man, for sure, naranasan na ito, lalo na ngayong henerasyon kung saan ang may kasalanan, eh, ang mobile phones na napaka-hightech. Ha-ha-ha! ‘Yun lang, nakasasama ito, partikular sa mga estudyanteng maaga ang pasok dahil maaaring makaapekto ang pagpupuyat sa performance nila sa school. Kaya narito ang ilang tips para mapatulog nang maaga si bagets:
1. CONFISCATE GADGETS. Dahil sleeping time na, mainam na i-confiscate muna ang gadgets nina bagets nang sa gayun ay maiwasan nila ang paglalaro nang late na nakasasama rin sa kanilang mga mata.
2. GIVE THEM MILK. Pinaniniwalaang ang gatas ay may sleeping effect sa indibidwal, kaya makabubuti kung paiinumin sila nito para makaramdam sila ng antok.
3. AVOID EATING MIDNIGHT SNACKS. Ooops, relate? He-he-he! Yes, tama ang nababasa ninyo mga beshy dahil kapag madalas kayong kumakain ng midnight snacks, for sure, maiinggit si bagets at kakain din siya, ang tendency, mabubusog siya at hindi kaagad makatuatulog dahil baka bangungutin.
Gets mo?
4. AVOID MAKING NOISE. Kung patulog na ang mga bata, iwasan ang paggawa ng ingay dahil maaari itong makaistorbo sa kanila kung saan imbes na makatulog sila, eh, hindi dahil sa ingay ninyo.
5. ALWAYS REMIND THEM TO SLEEP 8 HOURS IN A DAY. Kapag alam nila kung ilang oras ang dapat itinutulog ng tao kada araw, posible silang ma-encourage na matulog nang maaga. Dagdag pa rito, mainam kung sasabihin ang mga masamang epekto ng pagpupuyat para aware sila sa maaari nilang maramdaman, lalo na ngayong kahit bata pa lang, eh, nakararamdam na ng pagsakit ng ulo. Tsk!
Ngayong alam na natin kung paano sila patutulugin nang maaga, make sure, na magiging role model din tayo sa kanila.
Have a better sleep everyday! Okay?
Comentarios