top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagiging miyembro sa Philippine Red Cross

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Maliit na halaga lamang ang ibinigay sa Philippine Red Cross Annual Fund Campaign. Nais kong malaman kung gaano katagal ang aking membership sa Philippine Red Cross? — Mar

Dear Mar,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 6 ng Republic Act (R.A.) No. 10072, na mas kilala bilang “Philippine Red Cross Act of 2009” kung saan nakasaad ang sumusunod:

”Section 6. Membership. – Membership in the Philippine Red Cross shall be open to the entire population in the Philippines regardless of citizenship. Any contribution to the Philippine Red Cross Annual Fund Campaign shall entitle the contributor to membership for one (1) year and the said contribution shall be deductible in full for taxation purposes.”

Ibig sabihin, ang pagiging miyembro ng Philippine Red Cross ay bukas sa lahat ng populasyon ng Pilipinas at hindi batayan ang citizenship para maging miyembro nito. Magiging miyembro para sa isang taon ang sinumang magbibigay ng anumang kontribusyon sa Philippine Red Cross Annual Fund Campaign.

Sa sitwasyong inyong inilahad, katumbas ng pagbibigay ninyo ng maliit na halaga sa Philippine Red Cross Annual Fund Campaign ay ang pagiging miyembro ninyo sa Philippine Red Cross sa loob ng isang taon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page