top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Mga dahilan ng pag-atake ng hika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Nagkaroon ng hika ang aking anak na edad 9, pero hindi siya nagme-maintain ng gamot para rito. Paano maiiwasan na huwag sumpungin ng hika kahit walang iniinom na gamot para rito? — Beth

Sagot

Ang hika o asthma ay karaniwan mapabata man o matanda ay wala itong pinipili. Ito ay pangmatagalan at pabalik-balik na sakit kung saan ang baga o lungs ng pasyente ang naaapektuhan. Paliwanag ng mga eksperto, ang hika ay pamamaga ng bronchial tubes kapag ito ay namaga, nagiging sanhi ito ng pagkipot ng daanan ng hangin sa baga.

Narito ang ilan sa mga dahilan ng pag-atake ng hika:

  • Pisikal na aktibidad (napapagod ang katawan).

  • Natuyuan ng pawis sa likod, lalo na sa mga bata.

  • Pagkain sa mga ipinagbawal ng doktor tulad ng hipon at iba pang laman-dagat.

  • Labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak.

  • Matinding emosyon dulot ng stress.

  • Sobrang init o lamig ng panahon.

Ano ang mga paraan para maiwasan ang pag-atake ng hika?

  • Iwasan ang marumi at maalikabok na lugar.

  • Kung pawisin ang pasyente, huwag siyang hayaang matuyuan ng pawis sa likod.

  • Huwag masyadong magbabad sa init ng araw.

  • Iwasan ang makalanghap ng pulbos, gayundin ang usok.

  • Mag-ehersisyo upang lumakas ang baga at malabanan ang hika.

  • Kumain ng masusustansiyang pagkain upang maging malakas ang immune system.

  • Kapag malamig ang panahon, ugaliing takpan ang ilong at bibig.

  • Iwasan ang paggamit ng mga pabango na mayroong matapang na amoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page