top of page
Pokwang.jpg

Mga bagong halal na lider, para sa buhay o bitay, pag-asa o kamatayan?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
2 min read

NAGSIMULA na ang trabaho ng mga bagong halal na senador, isa sa pinakaunang panukala nila ang pagba­balik ng parusang bitay. Hindi sila nag­paliguy-ligoy, “ibalik ang bitay”, kani­lang sigaw, bakit ganito ang takbo ng ating lipunan? Naaalala natin noong pa­nahon nina ex-P-Fidel V. Ramos, ex-P-Jo­seph “Erap” Estrada at ex-P-GMA. Iti­nulak ni ex-P-FVR ang bitay hanggang sa naging batas ito.

Sinampulan ni ex-P-Erap ang pitong bilanggo mula kay Leo Echegaray hang­gang sa ikapitong isinalang sa Lethal Injection Chamber.

Nagpunta naman si ex-P-GMA kay Papa Juan Paolo II na naging Santo Juan Paolo II at niregaluhan ito ng kanyang Mo­ra­torium on Capital Punishment in the Philip­pines.

Dahil dito, nahinto ang bitay mula kay ex-P-GMA hanggang kay ex-P-Noy ngunit, nang dumating ang kasaluku­yang pangulo, iginiit nito mula simula na ibalik ang parusang bitay.

Nakalu­lungkot na tila pabalik-balik ang lipunan sa pananaw na tinalikuran at itinak­wil na ng maraming bansa. Su­mama na tayo sa naturang “abolitionist countries” o mga bansang ipinatigil ang bitay.

Nakalulungkot na sa kabila ng ma­lalalim na pag-aaral tungkol sa kawalang bisa ng bitay bilang pansalag o “deter­rent” sa krimen, pilit pa ring itinutulak ang bitay ng maraming mambabatas.

Ilang ulit na rin natin ipinagtanggol ang pananaw ng “restora­tive jus­tice” o hustisyang bumubuo at nag­babalik-dangal sa mga nagkasala’t nagkamali.

Hindi natin maalala kung ilang ulit tayong tumakbo laban sa bitay hanggang sa nakarating tayo sa mismong New Bilibid Prison kung saan dalawang beses tinangkang bitayin si Leo.

Enero 1999, tumakbo tayo mula ha­ting­gabi hanggang alas-6:00 ng umaga upang tutulan ang pagbitay kay Leo. Sa awa ng Diyos, nagkaroon ng “reprieve” at hindi itinuloy ang bitay kay Leo.

Maraming nagalit sa atin, hindi lang dahil nais nilang mabitay si Leo at hindi natuloy ito ngunit, sinisisi nila tayo sa pagkatalo nila sa sugal. Malinaw na su­gal ang isyu ng bitay, may pula, may puti.

Inilabas nang buhay si Leo sa Lethal Injection Chamber noong Enero 1999 ngu­nit, walang katiyakan kung nagta­gum­­pay ang mga lumalaban sa bitay upang pigilang ga­mitin ito laban kay Leo.

Hindi nagtagal, ek­saktong isang bu­wan pagkatapos ng ibini­gay na “re­prieve” kay Leo, muling isinalang si Leo sa Lethal Injection Chamber at sa ka­sa­wiang-palad, natuloy ang kinatatakutan ng ma­rami, binitay si Leo Echegaray.

Eksaktong 20 taon nang naipatupad ang bitay sa kabila ng matitinding pro­testa sa loob at labas ng ating bansa. 20 taon nang tumigil ang bitay, pero sa ka­salukuyang Se­nado, naririyan na ang mga mambabatas na ipinipilit ang ka­nilang opinyon sa bitay.

Nakatatakot ang nangyayari, itutulak at itutulak ng mga senador ang bitay. Ayos ito sa kanila, basta ayos kay bosing kahit mali at hindi masaya ang nakara­raming mama­mayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page