top of page
Pokwang.jpg

Kapag korup, sibak; 'pag sabit sa drugs, promoted?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
2 min read

“GRACEFUL EXIT” NA SANA SI ARANAS KAYA LANG IBINUKING NI P-DUTERTE NA KORUP DAW SIYA—Noong July 2, sinabi ni GSIS President Jesus Clint Aranas na nag-resign siya sa puwesto para raw pangalagaan ang integridad ng kanyang pagkatao, pero ang masaklap, noong July 5, inanunsiyo ni P-Duterte na hindi raw ito nag-resign kundi sinibak daw niya dahil tadtad daw ng korupsiyon ang pagkatao nito.

“Graceful exit” na sana ang pagkawala niya sa GSIS, kaya lang ibinuking ni P-Duterte na isa pala siyang korup, boom!

◘◘◘

P-DUTERTE, NANINIBAK DAW NG MGA KORUP, PERO ANG MGA SABIT SA SHABU SMUGGLING, PROMOTED—Sinabi na naman ni P-Duterte na pinagsisisihan daw niya ang pagka-pangulo niya dahil marami raw siyang kaibigan na binigyan niya ng puwesto sa gobyerno ang sinibak din niya dahil sa isyu ng korupsi­yon.

Weh, ‘di nga? Kasi ang mga nasangkot sa shabu smuggling tulad nina Nicanor Faeldon, Isidro Lapeña, Vincent Maronilla, Vener Baquiran at Allen Capuyan, promoted pa nga, eh, period!

◘◘◘

MAHINANG KASO INIATRAS; MATINDING KASO ISASAMPA KAY EX-P-NOY?—Iniatras ng Ombudsman ang mga walang batayang kasong graft at usurpation of power na ikinaso nila kay ex-P-Noy na may kaugna­yan sa pagmasaker ng MILF sa SAF 44.

Akala ni ex-P-Noy, lusot na siya, pero ang masaklap, ang gusto pala ng VACC (Volunteers Against Crime and Corruption) ay mas matinding kaso ang ikaso sa kanya at ito ay ang reckless imprudence resulting in multiple homicide na kapag napatunayang guilty siya ay habambuhay siyang mabi-Bilibid, aray!

◘◘◘

MGA “BUWAYA”, NAGTUTURUAN SA BUREAU OF CUSTOMS—Nagtuturuan ang mga taga-Informal Entry Division (IED) at Information Technology Division (ITG) ng Bureau of Customs kung sino ang may sala sa kanila sa pagkakapuslit ng 641 container vans sa Adwana nang walang binayarang buwis sa pamahalaan.

Ganyan talaga ang mga buwaya sa BOC, kapag nabisto ang korupsiyon nila ay nagtuturuan na para makalusot sa kaso, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page