DURANT OPISYAL NA SA NETS, MAGSUSUOT NG JERSEY NO. 7
- BULGAR

- Jul 9, 2019
- 2 min read

OPISYAL nang idinagdag ng Brooklyn Nets si forward Kevin Durant noong Linggo at inanunsiyo ang kanyang pagdating bilang bahagi ng sign-and-trade deal sa Golden State Warriors, isang linggo matapos ang 10-time All-star ay nagpahayag ng kanyang intensiyon na lumipat na sa Brooklyn.
“Kevin is a champion, perennial All-Star and one of the great players of this, or any generation,” saad ni general manager Sean Marks. Ang pagpapalipat-lipat ng teams ay hindi na bago sa 31-anyos na si Durant, nilisan niya ang Oklahoma City Thunder para lumipat sa Warriors nang nagdaang tatlong taon, pero ngayon ay magsusuot siya ng bagong numero sa unang pagkakataon mula nang pumasok sa NBA: ang No. 7.
Nagpaskil si Durant ng larawan sa kanyang tweet noong Linggo ng gabi na may nakasabit na Nets No. 7 jersey sa isang locker. Idinagdag niya sa kanyang statement na ang dati niyang Thirty Five Ventures aniya:
“35 took my family and me from Seat Pleasant, MD and showed us the world; 35 allowed me to meet people that I never would’ve had the chance to meet, experience things I would never have had the chance to experience, and achieve things that I never would have been able to achieve; 35 allowed me to go to the University of Texas to play basketball; 35 allowed me to achieve my dream of playing in the NBA in Seattle; 35 allowed me to play basketball in Oklahoma City and form bonds and friendships that will last a lifetime. But as I start this new chapter in my basketball life, the number I’ll be wearing on my back is the number 7, next time you see me on the floor. One time Brooklyn.”
Disisais anyos pa lamang noon si Durant nang magsimula siyang magsuot ng No. 35 na siyang eksaktong edad ng kanyang coach na nabaril at napatay sa Maryland, ayon sa New York Times noong 2017. (MC)





Comments