top of page
Pokwang.jpg

Ayon sa Amnesty International | BULACAN, BAGONG EPICENTER NG EJK

V. Reyes
Jul 9, 2019
1 min read

ANG lalawigan ng Bu­la­can ang itinuturing nga­yong epicenter ng extrajudi­cial killings o pinakama­du­gong lugar sa giyera ng gob­yerno laban sa iligal na droga.

Tinukoy ng Amnesty In­ternational ang may 20 in­sidente ng drug-related kil­lings sa Bulacan noong bu­wan ng Abril ng kasaluku­yang taon.

Nabatid mula kay Am­nesty International Regional Director for Southeast Asia Nicholas Bequelin na nag­padala sila ng mga imbesti­gador sa Bulacan para ma­kumprima ang bilang ng pag­patay sa mga suspek sa iligal na droga.

Karamihan umano sa mga iniluklok na hepe ng pu­lisya sa lalawigan ay dating tumutok sa anti-illegal drug operations sa Maynila.

Kabilang dito si Police Colonel Chito Bersaluna, na sinibak bilang pinuno ng Ca­loocan City Police dahil sa pagkakapatay sa 17-anyos na si Kian delos San­tos pero, dinala sa Bulacan Provincial Police.

“Bulacan is a province to which a number of police commanders who previous­ly supervised abusive opera­tions in Manila have been transferred over the past eighteen months,” ayon sa AI.

“Bulacan is now the country’s bloodiest killing field, according to official figures,” dagdag pa ng ulat.

Naniniwala pa ang Am­nesty International na malala pa rin ang extrajudicial killings sa Pilipinas at nanganga­ilangan ng pag-imbestiga ng United Nations.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page