Ate na naiinis sa mga kapatid na tamad

Dear Roma,
Magandang araw! May mga kasunduan o patakaran sa bahay namin kung saan toka-toka kami sa mga gawaing-bahay, pero madalas, ‘yung nakababata kong kapatid na nakatoka sa umaga, eh, hindi kumikilos kaya ako na nakatoka sa hapon ang gumagawa ng mga gawaing hindi niya ginawa. Naiinis na ako! Ano ang dapat kong gawin para magbago ang kapatid ko at matutong kumilos? — Amy
Amy,
Naku, nakai-stress ang ganyang sitwasyon, pero, makabubuting kausapin mo nang maayos at mahinahon ang iyong kapatid at sabihin mo sa kanyang gawin niya kung ano ang nakatokang gawain para sa kanya. Kung hindi ka niya pakikinggan, makabubuting kausapin mo ang mga magulang ninyo tungkol dito para habang bata pa ang iyong kapatid ay matutunan na niyang maging responsable sa mga gawaing-bahay. Huwag ka ring magpadala sa inis, sis, dahil walang maidudulot na maganda kung magpapadala ka sa mga negatibong emosyong nadarama mo. God bless sa iyo!





Comments