6 TEAMS, SASABAK SA NCAA DEBUT GAME

ASAHAN na ang maaksiyong laro ng anim pang teams para sa debut season ng last year semifinalist na University of Perpetual Help sa 95th NCAA men’s basketball na idaraos sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Babanat ang Perpetual Help sa Mapua ng 2 p.m., matapos ang engkuwentro sa alas-12 ng tanghali ng College of St. Benilde at Emilio Aguinaldo College, habang ang San Sebastian College ay lalarga vs. Jose Rizal University ng alas-4 ng hapon. Tumapos ng nakaraang season ang Altas ng 4th overall sa 11-7 card at sa twice-to-beat vs eventual 3-time champion San Beda University Red Lions sa Final 4.
Sa kabila ng pagkatalo ni 2018 MVP Prince Eze na graduate na noon, handa na si Altas veteran coach Frankie Lim na harapin ang matinik na daan laban sa SBU para sa second straight semifinals stint.
“Of course, it’s big that we don’t have Prince Eze anymore in our roster,” ani Lim. “But it doesn’t mean we’ll not compete. We’ll continue to play with our hearts, we’ll continue to play hard each game. We still have several players who we know have what it takes to lead the team, hopefully be an inspiration to other players – to their teammates – to play hard this season,” dagdag ni Lim.
Tinutukoy ni dating PBA mentor Lim si point guard Edgar Charcos at center Ben Adamos.
Para sa Mapua, isasabak ng Cardinals si dating player Randy Alcantara bilang coach na kapalit ni Atoy Co. Si Alcantara ay bahagi ng dating Mapua champion team na nakakopo ng back-to-back titles noong 1990 at 1991 at nakapagwagi ng ilang kampeonato bilang mentor ng Mapua Red Robins.
Tulad ng Mapua, sisimulan din ng EAC at JRU ang kani-kanilang kampanya sa ilalim ng bagong mentors kung saan, si dating La Salle center Oliver Bunyi ang hahawak sa Generals habang ang hahawak sa Heavy Bombers ay si ex-Green Archers mentor Louie Gonzales.
Makaraan ang 3-15 campaign noong 2018, umaasa ang JRU na aangat silang muli sa gabay ni Gonzalez na bago lumipat sa Mandaluyong-based school ay nagkaroon ng brief tenure sa De La Salle sa UAAP.





Comments