top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Senyales ng sakit sa bato na kailangang bantayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Nalaman ko na namatay ang aking pinsan dahil sa kidney di­sease. Maaari ba ninyong talaka­yin ang mga sintomas nito? Naba­bahala kasi ako dahil may history daw ang aming pamilya ng sakit na ito. — Nelson

Sagot

Tulad ng maraming kondisyon, sa umpisa ng sakit ng bato ay maaaring wala itong sintomas at sa labo­ratoryo lamang makikita ang diperensiya subalit, kapag ito ay naging mas malala, maaaring mag­karoon ng mga sinto­mas tulad ng mga sumu­sunod:

  • pagbabawas ng timbang o pamamayat

  • pamamanas ng mga paa at kamay

  • pagkahapo o hirap sa paghinga

  • pagbabago sa kulay at lapot ng ihi

  • balisawsaw, ihi nang ihi, lalo na sa gabi

  • pangangati

  • madalas na pamumulikat

  • para sa mga lalaki, hirap patigasin ang ari o erectile dysfunction

Muli, hindi lahat ng mga sintomas na nabanggit ay maaaring maranasan ng taong may sakit sa bato at ang pagkakaroon ng mga iba ay hindi rin nangangahulugan ng pagkakaroon ng sakit sa bato. Makabubuti kung mag­papa-check-up sa doktor para masuri ang iyong kondisyon kung nararam­daman mo ang anuman sa mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page