top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Paraan para magpa-accredit ang samahan o grupo sa PCUP, alamin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 8, 2019
2 min read

NASA mandato ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na i-accredit o kilalanin ang mga lehitimong urban poor organization o UPO sa bansa para makasama ang mga ito sa pagbubuo ng polisiya at programa na makaaapekto sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng accreditation, mabibigyan tayo ng pagkakataong makilahok sa mga dayalogo at pagpupulong na layuning makabuo ng lokal at pambansang polisiya para irekomenda sa kinauukulan.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Narinig ko sa radyo na tutulong ang PCUP para maorganisa kami bilang national urban poor group. Kami sa Navotas ay may urban poor group at gusto naming makasama rito. — Michael

Sagot

Magandang araw din, Michael! Isa sa mandato ng ating tanggapan ay magbigay-boses sa mga maralita sa pamamagitan ng accreditation.

Kung kayo ay hindi pa accredited ng ating ahensiya o gusto nating mag-organisa para maging lehitimong urban poor group, maaari kayong magpadala ng sulat sa PCUP na nais ninyong magpatulong sa proseso.

Pagkatanggap ng inyong sulat, bababaan kayo ng area coordinator (AC) na nakatalaga sa inyong lugar upang ipatawag ang mga miyembro o gustong maging miyembro ng inyong samahan. Bibigyan kayo ng oryentasyon kung anu-ano ang proseso, obligasyon, prebilehiyo at mga kinakailangan sa accreditation. Gagabayan kayo ng mga AC sa pag-aasikaso nito hanggang sa matanggap ninyo ang Certificate of Accreditation.

Prayoridad ng PCUP na makasama sa bubuuing national urban poor group ang mga accredited na mga urban poor organization. Sa dinami-rami ng mga nagpapakilalang UPO, minarapat nating isama lamang ang mga lehitimo upang masiguro na hindi aabusuhin ng mga fly-by-night organization ang karapatang ito.

Para makasama ang inyong samahan, kung hindi pa kayo accredited, magpa-accredit na kayo. Kaugnay nito, para mag-apply, ipasa lamang sa PCUP ang mga sumusunod: (1) nasagutang application form, (2) listahan ng opisyales kalakip ang photo, address at contact numbers, (3) listahan ng miyembro na pirmado nila, (4) history ng inyong samahan (5) kopya ng Constitution and Bylaws (CBL), (6) minutes of CBL Adoption, (7) kopya ng Certificate of Registration sa SEC, HLURB, DOLE, CDA etc. (optional) at (8) Php 100 na application fee.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page