May school supplies at grocery items sa basura!


Kaunting ulan, baha agad dahil barado ang mga daluyan.
Dahil dito, sunud-sunod ang isinasagawang clean-up drive sa iba’t ibang lugar para maiwasan ito.
Kasabay ng mga paalala sa tamang pagtatapon ng basura, isang paaralan sa Ilocos Norte ang may naisip na kakaibang gimik.
Hinihikayat ng Burgos Central Elementary School sa Bgy. Poblacion, Burgos, ang mga estudyante na makiisa sa pagsolb ng problema sa basura.
Kung para sa iba, may pera sa basura, sa Bgy. Poblacion, may biyaya sa basura.
Ito ay dahil puwedeng gawing pamalit sa school supplies at grocery items ang makokolekta nilang basurang plastic.
Masasabing hitting two birds with one stone ang diskarteng ito dahil hindi lamang nagiging disiplinado ang mga estudyante kundi nababawasan din ang mga basura sa paligid.
May kapalit na puntos ang mga basura kung saan kapag mas mabigat, mas malaki ang puntos na makukuha.
Pagkatapos makakuha ng puntos, puwede na itong ipapalit ng mga mag-aaral ng school supplies tulad ng lapis, papel at krayola, gayundin, ang grocery items tulad ng bigas at iba pa.
Ang mga basurang nalilikom ay ginagawang eco bricks na alternatibo sa hallow blocks.
Dapat lamang na ituro ito sa murang edad dahil sila rin ang makikinabang nito sa mga susunod na panahon.





Comments