Maselang isyu sa WPS, maaaring maging ugat ng digmaan
- BULGAR

- Jul 8, 2019
- 2 min read
USAP-USAPAN ang isyu tungkol sa mga isda sa WPS.
Kaunti lang ang nakaunawa sa teknikalidad na binanggit ni Senate Pres. Vicente "Tito" Sotto III tungkol sa mga isda na nakatira sa China at isda na nakatira sa Pilipinas!
◘◘◘
PINAGPIYESTAHAN sa social media ang isdang taga-China at isdang taga-Pilipinas.
Sa totoo lang, tulad ng mga ibon, ang isda ay may “pugad” din o sariling tirahan.
Ito ang tinatawag na “propagules”!
◘◘◘
ANG mga itlog ng isda ay higit na maliit sa itlog ng mga ibon. Ang mga mumunting itlog ay nagiging dormant sa kailaliman ng dagat.
Sa paglipas ng panahon, nabubuhay itong muli at ang mga isda ay dito naglalagi.
Ibig sabihin, may species ng isda na ang proseso ng propagules ay likas na nasa teritoryong sakop ng Pilipinas!
◘◘◘
Sa kanilang paglilibot sa karagatan, nagbabalik ang mga isdang ito sa kanilang “pugad” o sentro ng propagules.
Ibig sabihin, kung may pugad ng isang klase ng specie ng isda sa Pag-asa Island, mayroon ding specie ng isda na ang sentro ng propagules ay nasa isla ng Hainan Province!
◘◘◘
HINDI natin dapat ituring na tila mauubusan ng isda ang Pilipinas.
Inaakala ng ordinaryong tao na ninanakaw ng China ang isda ng Pilipinas, walang ganyang klase ng sitwasyon!
◘◘◘
ANG Exclusive Economic Zone (EEZ) ay terminolohiya lamang upang magkaroon ng legal platform ang diplomatic community kaugnay sa paggawa ng International Law.
Mahalaga ang binanggit ni Senate President Tito Sotto upang mamulat ang lahat hinggil sa isyu na bumabalot sa kaisipan ng lahat!
◘◘◘
HINILING ng sector na hindi dapat sumawsaw ang ilang grupo sa isyu sa UNCLOS dahil masyado itong teknikal at kailangan ang malalim na diplomasya.
Isang maselang isyu ito na kakaunti ang nakauunawa at ito ay mapanganib na larangan dahil maaaring maging ugat ng digmaan!





Comments