Kailan ikinokonsidera na iligal ang pagkakaroon ng kopya ng child pornography DVDs?
- BULGAR

- Jul 8, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Ako ay nahulihan ng apat na DVDs tungkol sa child pornography na pawang mga regalo lamang sa akin ng mga kaibigan ko. Ako ay inaakusahang nais ko raw ibenta ang mga ito. Tama ba ito? — Gary
Dear Gary,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 4 (d) ng Republic Act No. 9775 o mas kilala bilang “Anti-Child Pornography Act of 2009,” na:
“Section 4. Unlawful or Prohibited Acts. – It shall be unlawful for any person:
Xxx
(d) To possess any form of child pornography with the intent to sell, distribute, publish, or broadcast: Provided. That possession of three (3) or more articles of child pornography of the same form shall be prima facie evidence of the intent to sell, distribute, publish or broadcast;” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, sa kadahilanang ang nahuli sa inyong child pornography materials ay higit sa tatlo, ipinagpapalagay ng batas na mayroon kayong pagnanais na ibenta, ipakalat o ilathala ang mga ito at kayo ay maaaring makasuhan at mapatawan ng kaukulang parusa tungkol dito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments