IMUS, TITIYAKING ‘DI MAGIGING BANDERANG KAPOS SA MPBL

PAGTUTUUNAN ng pansin ng Imus Bandera-Khaleb Shawarma/GLC squad ang kanilang defensive game makaraang matalo ng ikalawang beses sa mga kamay ng Pasay Voyagers, 65-82 noong Huwebes sa San Andres Sports Complex sa Manila.
Nang-iwan sa 9-0 run ng third quarter ang Voyagers upang tilarin ang Bandera sa 31-49 sa second half, bagamat determinado sila sa laro ay kapos pa rin sa huli.
Saad ni Imus-Bandera head coach Buds Reyes, “‘yung shots nila, we planned for those shots, alam naman naming magandang ititira nila from three points, may game plan naman, eh. But, I guess sumabog; hindi maganda ang pagkaka-execute. ‘Yung barrage of threes nila, hindi na kami nakabangon from that.”
Nakagawa ang Pasay ng siyam na tres at lima sa last quarters kumpara sa Imus. Nabanggit ni Guard Mikee Reyes na nagbalik sa starting line-up matapos ang minor ankle injury, na sisikapin na ng squad na magpokus sa estilo ng pagdedepensa sa susunod na mga laro sa Lakan Cup.
“May schemes naman kami na pina-practice pero, hindi pa plantsadong-plantsado. I think at the end of the day, it is about trusting each other na gagawin nila ang role nila each possession. Familiarity with each other na rin ‘yan at the end of the day and committing to the schemes. Especially now, we had seven days to prepare pero, hindi namin nagawa,” ani pa ni Reyes, na ang chemistry ay ang isyu pa rin sa Bandera.
“Siyempre, a lot of us, first time pa rin magkakakampi. Pero ‘yun ang kagandahan, the process just continues. Medyo masama ang simula namin sa season.”
Namuno si Mark Doligon sa Bandera na may 14 points, habang si James Martinez, na naglaro sa kabila ng namamagang kaliwang paa ay tumapos ng 12 puntos, 6 rebounds at 5 assists.





Comments