Hamon ni P-Digong sa U.S. na giyerahin ang China — Palasyo | HINDI JOKE!
- Mylene Alfonso
- Jul 8, 2019
- 1 min read

SERYOSO umano si Pangulong Rodrigo Duterte nang hamunin nito ang United States na magdeklara ng digmaan kontra China.
“Eh bakit naman hindi? Kung inumpisahan ng Amerikano dahil kaalyado tayo sa Amerikano, kasama tayo doon,” ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Matatandaang, ipinahayag ni Duterte ang paghahamon sa U.S. at sa mga kritiko ng kanyang pamamahala sa maritime dispute sa pagitan ng Manila at Beijing sa opening ng Chen Yi Agventures Rice Procession Center noong Biyernes.





Comments