Hair dresser, natagpuang patay sa cr ng salon

PATAY na nang madiskubre ang isang hair dresser sa loob ng palikuran ng pinagtatrabahuhang salon at SPA sa Taguig City.
Kinilala ang biktima na si Nicasio Tampor, 44, hair dresser sa Trendline Salon and Spa sa Bgy. Katuparan.
Base sa ulat ng Southern Police District, ala-1:37 ng hapon nang matagpuan ng kanyang katrabaho na si Freda Datan, ang nakahandusay at wala nang buhay na biktima sa comfort room ng nasabing salon.
Agad ipinaalam ni Datan ang insidente sa barangay security force at tumawag naman sa Police Community Precinct 4.
Nagsagawa na ng kaukulang pagsusuri ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni Cpt. Abillonar sa pinangyarihan.
Napag-alaman na may sakit na severe tuberculosis (TB) ang biktima.
Gayunman, nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente upang alamin kung may kahina-hinala sa pagkamatay ni Tampor.





Comments