top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

FDA, nagbabala hinggil sa pagpapaturok ng glutathione at Vitamin C

Ryan B. Sison
Jul 8, 2019
1 min read

WALANG masama kung gumawa tayo ng paraan para magkaroon ng ma­puti at makinis na balat dahil kani-kanyang trip ‘yan ng kulay, pero ma­inam na sa bawat paghahangad natin, tayo ay mag-iingat, lalo na ngayong usung-uso ang mga injectable gluta­thione at Vitamin C na ayon sa Food and Drug Administration (FDA), hindi umano lig­tas gamitin dahil mayroon itong delika­dong side-effects.

Gayunman, hindi aprubado ng FDA ang naturang produkto dahil wala uma­nong naitalang lehitimong pagsusuring ginawa rito, maliban na lamang kung gagamitin ito bilang gamot sa cisplatin chemotherapy.

Dagdag pa rito, ang mga pampapu­ting produkto ay maaaring makasama sa katawan, partikular sa atay at kidney.

Kaya nagbababala ang ahensiya sa publiko na kung gustong magpaputi ay magtungo lamang sa mga tunay na FDA-certified na doktor.

Samantala, kung isa kayo sa mga nakasanayan na ang pagpapaturok nito, mainam na mag-isip muna kayong ma­buti dahil nasa huli ang pagsisisi, ‘ika nga, “take at your own risk” dahil hindi nagkulang ang mga kinauukulan na tayo ay paalalahanan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page