ARDINA, HINDI MATINAG SA THORNBERRY CREEK GOLF

HINDI nagpakaldag si Dottie Ardina ng Pilipinas sa harap ng world-class na kompetisyon sa pamamagitan ng kanyang pangatlong sub-par performance upang lalo pang makalapit sa mga may tangan ng trangko sa penultimate round ng 2019 Thornberry Creek Ladies Professional Golf Association (LPGA) sa Thornberry Creek at Oneida - Legends Championship Course ng Wisconsin.
Sinandalan ng Pinay sa round 3 ang apat na birdies sa front nine (hole nos. 5, 6, 7 at 9) at karagdagang tatlo sa huling siyam na butas (hole no.s 13, 15 at 16) para kontrahin ang dalawang bogeys (hole nos. 1 at 11) at maiposte ang isa na namang solidong performance. Nauna rito, pumalo si Ardina, segunda sa 2018 Symetra Tour Moneyboard, ng 68 sa opening round at isa muling 67 sa pangalawang round.
Nakaipon na sa kasalukuyan si Ardina, 2018 Symetra Tour Moneyboard no. 2, ng kabuuang 202 strokes sa tulong ng kanyang 67 (round 3), 67 (round 2) at 68 (round1) para makasampa na sa pang-13 puwesto.
Ang kabuuang rekord ng dating premyadong jungolfer ng Pilipinas ay matikas na 14-under-par na. Ito ay anim na palo lang ang layo sa apat na kataong lead pack na binubuo nina world no. 1 Sung Hyun Park ng South Korea, Thai ace Ariya Jutanugarn, Shanshan Feng ng China at American gem Tiffany Joh.
Ito na ang pinakamaningning na arangkada ni Ardina sa isang torneo sa unang taon niya sa prestihiyosong LPGA tour. Isang malupit na round pa sa paligsahang nilahukan ng 140 atleta ngunit, ngayon ay nagpauwi ng 70 lady golfers at matutuldukan na ng Pinay ang serye ng mga missed cuts na naranasan niya sa mga naunang torneong sinalihan ngayong 2019.





Comments