22 mangingisda 'di nga nabigyan ng hustisya, namumuro pang maswak sa selda? Tsk-tsk-tsk
- BULGAR

- Jul 8, 2019
- 2 min read
PDP-LABAN, TIKLOP SA MAG-UTOL NA PULONG AT SARA—Noon, panay ang dakdak nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Koko Pimentel na dapat daw ang maging House Speaker ay ang kapartido nila sa PDP-Laban na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil kapartido raw niya si P-Duterte, pero nang sabihin ng magkapatid na sina Davao City 1st Dist. Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio na si Davao City 3rd Dist. Rep. Isidro Ungab ng HNP ang gusto nilang maging Speaker, natameme sina Pacman at Koko.
Ibig sabihin, kapag sina Pulong at Sara na ang nagsalita, tiklop na ang mga tigasin sa PDP-Laban, boom!
◘◘◘
IMBES NA HUSTISYA ANG MAKAMTAM, BAKA SA SELDA BUMAGSAK ANG 22 MANGINGISDA—Desidido ang Pamalakaya na samahan ng mga mangingisda na ipa-impeach si P-Duterte dahil sa pagpayag nitong mangisda sa West Philippine Sea (WPS) ang mga Chinese.
Kapag minalas, imbes na hustisya ang makamtan, baka sa kulungan pa bumagsak ang 22 mangingisdang nakatikim ng harassment sa Chinese vessel sa WPS kasi ang sabi ni P-Duterte, sinuman daw magpa-file ng impeachment sa kanya ay ipakukulong niya, hu-hu-hu!
◘◘◘
UN, PARANG SIRANG-PLAKA SA EJK —Nakatakda na raw imbestigahan ng United Nations (UN) ang EJK sa Pilipinas.
Hay naku, ang UN parang sirang-plaka, paulit-ulit nagsasabing iimbestigahan ang EJK sa Pilipinas, pero wala namang nangyayari kasi hanggang ngayon, “nganga”!
◘◘◘
RAKET NA LOTTENG NI “JUN MORIONES” AT MAG-ASAWANG “RAMON” AT MEDY”, KAILAN IPATITIGIL NI MAYOR ISKO?—Ipinatigil na ni Mayor Isko Moreno ang pagtitinda ng mga illegal vendor sa mga kalsada ng Divisoria, Recto at Juan Luna sa Maynila.
Eh, ang raket na lotteng ni “Jun Moriones” at mag-asawang “Ramon” at “Medy” sa Tondo, kailan kaya ipatitigil ni Mayor Isko? Abangan!





Comments