top of page

Worried dahil biglang lumaki ang tiyan at puson

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 37 yrs. old at may dalawang anak. Nababahala ako dahil tila lumalaki ang aking tiyan at puson. Nakapagtataka dahil hindi naman ako buntis, ano kaya ang sanhi nito at ano ang maaari kong gawin para rito? — Susan

Sagot

Ang paglaki ng tiyan (abdominal enlargement) ay maraming posibleng sanhi, mula sa mga karamdaman ng gastrointestinal system (tiyan at bituka) at sa mga karamdaman sa reproductive system tulad ng matris, puwerta at iba pa at maging epekto ng karamdaman sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narito ang ilan sa mga karaniwang sanhi nito:

  • Pagkabuntis — kung ang babae na dinaratnan ng monthly period at nakikipagtalik sa naka­raang mga buwan, ito ay dapat nasa unahan ng mga konsiderasyon. Nakara­ramdam ka ba ng mga sintomas ng pagbubuntis? Kung oo, makabubuti kung magpa-pregnancy test ka para makasiguro.

  • Iritasyon sa tiyan at bituka (Irritable Bowel Syndrome) — ito ay pagkirot sa tiyan, parang ‘bundat’ ang tiyan, pagtatae, pagtitibi at iba pa.

  • Mga bukol sa tiyan o matris — kasama rito ang myoma sa matris at iba pa. Ang mga ito ay karaniwang dahan-dahan ang paglaki, pero puwede ring hindi agad mapansin.

  • Tubig sa tiyan (ascites) — ito ay dala ng sakit sa atay, bato o puson.

  • Paglaki ng tiyan dahil sa pagdami ng taba sa bandang tiyan at puson — ito ay dulot ng pagbabago sa pagkain o side-effects ng ilang mga gamot.

Gayunman, bukod sa mga ito, marami pang ibang dahilan ng biglaang paglaki ng tiyan.

Upang matiyak kung alin sa mga ito ang sanhi, makabubuti kung magpatingin ka agad sa iyong doktor upang matuklasan kung ano ang iyong diagnosis.

1 Comment


Jeneros Ayroso
Jeneros Ayroso
Nov 08, 2024

Sa anong specialist po ba dapat magpacheck up ? Ob po ba ?

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page