Sinugod sa bahay | MAG-ASAWANG TSISMOSO PINAGTATAGA


SUGATAN ang mag-live-in partner makaraang sugurin sa bahay saka pagtatagain ng tiyuhin sa Pangasinan.
Nagtamo ng malalalim na sugat sa balikat at tagiliran ang 24-anyos na biktimang si Alfredo Camba habang sugat naman sa paa ang tinamo ng kinakasama nitong si Vanessa Tumbaga.
Kinilala ang suspek na tiyuhin ng mga biktima na si Angelito Raon.
Palaisipan naman sa mga biktima kung bakit sila pinagbibintangang mga tsismoso at tsismosa.
Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ang insidente. Handa naman umanong makipag-ayos ang tiyuhin ng mga biktima sa kanila. (BRT)





Comments