SHANGHAI NOON, PATOK

AALAGWA ngayong hapon ang 12 karera na kapapalooban ng 2019 Philracom Rating-Based Handicapping System sa San Lazaro Leisure Park (SLLP), Carmona, Cavite. Magaganap ang dalawang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa pag-alagwa ng 9 na Philracom-RBHS, 2 Condition Race at 3-Year-Old Group Race.
Unang magaganap ang 1st WTA sa Race 1, dito maglalaban ang 12 kalahok sa Philracom-RBHS class 4 (22-27) at pinapaboran ang Et Al, Legionaire at couple entry na Bond’s Mission at Navy Cut. Sa Race 2, magaganap ang Condition Race Merged 9 at ipinapatok ang Wonderland at pang-forecast ang Sky Hook, Disyembreasais at Messi.
Sa umpisa ng 1st Pick 6 sa Race 3, pinapaboran ang Batang Highlander at posibleng makatsamba ang Hot and Spicy. Sa Race 4, magaganap ang labanan sa pagitan ng Go Marty Go, Yssa’s Will, Silver King at Casino Royale na kahit sino ay puwedeng manalo. Sa umpisa ng Pick 5 sa Race 5, ipinapatok ang Shanghai Noon at paglalabanan ang forecast nina Brandy Drinker, Oktubre Katorse, Weather Lang at Iikot lang.
Sa 2nd WTA sa Race 6, binibigyan ng malaking panalo ang Hamlet habang ang Tit For Tat at Sooner Time ay makakalaban ng mahigpit. Sa race 7, magaganap ang 2nd Pick 6, asahan na magkakalaban ang Minotaur, Humble Submission, Genie Hello, Hello Junior at couple entry na Musikera at Plus. Magkakalaban ang Boni Avenue, Happy Maggie at couple entry na Digame at Beach Surfer sa 2nd Pick 5 sa Race 8. Sa Race 9, magaganap ang Pick 4 at paglalabanan ng mga kalahok na Lemonada, Spunk Attack, The Barrister at Since When.
Magaganap ang labanan ng mga kalahok na Primadonna, Cassie Dear, Rochelle’s Gift at Nostradamus sa Race 10. Sa Race 11, walang tulak kabigin ang mga kalahok na Golden Casino, Ashley’s Gift, Amiga, Hayley Margarette at couple entry na Tequila Princess at Quite Whisperer habang nakalalamang sa laban ang Super Swerte at ang couple entry na Lady Zip at Hidden Moment ang siyang makakalaban kasama ang More Or Less sa Race 12. Tip ni Mang Ding: Race 1-Et Al (1) Entry No.4 Legionaire (11); Race 2- Wonderland (4) Sky Hook (1) Race 3- Hot & Spicy (6) Batang Highlander (3) Race 4- Yssa’s Will (6) Go Marty Go (3) Race 5- Shanghai Noon (3) Harapin ang Bukas (8) Race 6- Hamlet (5) Entry No.2 Tit for Tat (6) Race 7- Genie Hello (4) Entry No.1 Humble Submission (11) Race 8- Boni Avenue (6) Entry No.3 Happy Maggie (5) Race 9-Lemonada (1) Spunk Attack (2) Race 10- Gunga Din (3) Cassie Dear (2) Race 11- Golden Casino (5) Hayley Margarette (11) Race 12 - Super Swerte (1)





Comments