top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PILIPINAS, WAGI KONTRA THAI SA SEALECT TUNA VOLLEYBALL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2019
  • 1 min read

NAKABAWI buhat sa nalasap na pagkatalo sa kanilang unang laro noong Biyernes ng hapon ang Rebisco-Philippines matapos ipanalo ang ikalawang laban nila kahapon kontra Fine Chef Phitsanulok, 17-25, 25-12, 25-22, 25-20, sa 2019 Thailand Open Sealect Tuna Volleyball Championships sa Sisaket Gym.

Pagkaraang itabla ang laban sa pamamagitan ng panalo sa second frame, umagwat ang mga Pinoy sa third set sa pamamagitan ni Marck Espejo na nagposte ng apat na sunod na puntos na nagresulta sa 21-18 na kalamangan.

Kasunod nito ang dalawang attack errors nina Kittithad Nuwaddee at Thawatchai Meekan na nagbigay sa Nationals ng match point bago tuluyang sinelyuhan ang panalo ni Bryan Bagunas. Sa fourth set, kontrolado na ng Rebisco-Philippines ang laro at maagang nilayuan ang Thais, 16-9. Nakuha pa ng mga itong makalapit, 20-24 matapos kumamada ng 6-1 blast. Pero, sila na rin ang tumapos at ganap na nagbigay ng panalo sa Nationals matapos ang service error ni Nuwaddee.

Para sumulong sa semis ang Rebisco-Philippines, kinakailangang matalo ulit ang Fine Chef sa Royal Thai Air Force sa laban nila ngayon sa pagtatapos ng elimination round. Ang Royal Thai Air Force, ang koponang gumapi sa Nationals sa opener noong Biyernes, 20-25, 25-18, 21-25, 18-25. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page