top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

PEREZ NG COLUMBIAN DYIP, PINAUSUKAN ANG FUEL MASTERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 7, 2019
2 min read

KINAPITAN ng Columbian Dyip si super rookie CJ Perez sa endgame upang silatin ang Phoenix Fuel Masters, 100-98 kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Tumikada si Perez ng 18 points at apat na rebounds upang tulungan ang Dyip na ilista ang 3-7 card.

Humarurot ang Dyip sa unang dalawang periods, nakalamang sila ng siyam na puntos, 49-40 sa halftime. Nanatiling nasa unahan ang Dyip sa third period, hawak nila ang two-point lead, 73-71 papasok ng fourth. Hindi nagpabaya ang Dyip sa playoff period kaya naman nakuha nila ang panalo.

Samantala, nais ng TNT KaTropa na manatili sa tuktok ng team standings pagharap nila sa Blackwater Elite ngayong alas-4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Isa sa mainit na teams ang kaTropa dahil tangan nila ang six-game winning streak, muli nilang sasandalan ang kanilang import na si Terrence Jones upang masilo ang panalo sa Elite. “Same mentality,” saad ni TNT coach Bong Ravena. “Treat the game as a must-win. (Stay) locked in on defense, play hard and smart.” Tangan ng KaTropa ang 8-1 karta, pero inaasahang mapapalaban sila sa Blackwater dahil galing din ito sa panalo.

May hawak na 6-3 record ang Elite, huhugot sila ng lakas kina Michael DiGregorio at rookie Bobby Ray Parks Jr. “We’re facing another tough team, another red-hot team, the No. 1 team in the league right now,” saad ni Elite coach Aris Dimaunahan.

Nakatutok ang Elite kay Jones, pinaplano nila kung paano mapipigilan ang opensa niya. “Kailangan namin talagang dumipensa against Terrence Jones, pinaka-anchor ng offense nila, playing the point-center,” hayag ni Dimaunahan. Magbabanatan sa pangalawang laro ang Magnolia Hotshots at Bgy. Ginebra sa alas-6:45 ng gabi. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page